^

Probinsiya

Bulacan buy-bust: ‘Tulak’ utas, 6 huli

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

MALOLOS CITY, Philippines — Patay sa isinagawang drug buy-bust ng Marilao PNP ang isang kilalang tulak ng ipinagbabawal na droga sa Brgu. Ibayo ng nasabing bayan kahapon ng madaling araw, habang anim pang tulak ang natiklo ng mga pulis sa magkaka­hiwalay ng drug operation sa lalawigan ng Bulacan.

Kinilala ni P/Col. Lawrence Cajipe, Bulacan police­ director ang napatay na pusher na si Dominador Donia, residente ng nasabing Barangay.

Sa imbestigasyon, dakong alas-12:10 ng madaling araw nang maglatag ng buy-bust operation ang Marilao Police sa nasabing lugar, Nanlaban at nagpaputok umano ang suspek nang makatunog na pulis ang katransaksyon sanhi ng shootout na ikinasawi nito. Nakuha sa suspek ang isang cal .38 revolver, anim na plastic sachet ng shabu at buy-bust money.

Samantala, anim pa umanong tulak ng ipinag­babawal na droga na kinilalang sina Romeo Ma­niquiz, Norberto Gonzales, Ferla Saligumba, Edwin­ de Castro, Ronald Gleane at Joven Inocencio ang nasakote sa magkakahiwalay na drug buy-bust operation sa San Miguel, Plaridel at Pandi. Nabawi sa kanila ang 20 plastic sachet ng shabu, dalawang plastic sachet ng pinatuyung dahon ng marijuana at buy-bust money.

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with