_ngayon
^

Pot session sa truck: 4 ‘adik’ arestado

Christian Ryan Sta. Ana (Pilipino Star Ngayon) - April 6, 2021 - 12:00am

TALAVERA, Nueva Ecija, Philippines — Arestado ang isang drayber at tatlong pahinante makaraan silang mahuli sa aktong nagpa-pot session o sumisinghot ng droga sa loob ng isang trak na nakaparada sa Barangay Calipahan, dito, kahapon ng madaling-araw.

Kinilala lamang sa inisyal na ulat ang mga suspek sa mga alyas na “Ryan”, 36, driver, ng Paco Roman St., Cabanatuan City, at kanyang mga pahinante na sina “Crispin”, 31, ng Brgy. Calipahan, dito; “Mark”, 20, at Dexter”, 18, kapwa taga-Brgy. Go­mez, Sta. Rosa, Nueva Ecija.

Ayon kay P/Lt. Col. Heryl L. Bruno, hepe ng pulisya rito, nahuli ang apat na nagsisinghot ng shabu sa loob ng isang Isuzu Giga Forward truck na nakaparada sa shoulder ng highway na sakop ng Barangay Calipahan, dito.

Natiyempuhan umano ang mga suspek bandang alas-4:30 ng madaling-araw kahapon ng mga pulis habang nagsasa­gawa sila ng anti-criminality at Oplan Sita ope­ration sa nasabing lugar.

Narekober mula sa mga suspek ang dalawang plastic sachet na may laman umanong shabu, tatlong dispo­sable lighters, dalawang aluminum foil strips, isang foil tooter at isang gunting.

ARRESTED SHABU
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with