^

SK Kagawad, huli sa buy-bust

Christian Ryan Sta. Ana (Pilipino Star Ngayon) - April 5, 2021 - 12:00am

NAMPICUAN, Nueva Ecija, Philippines — Arestado ang isang 24-anyos na Sangguniang Kabataan (SK) kagawad makaraang mahulihan ng mga naka-sachet na pinatuyong dahon ng marijuana sa isang buy-bust noong tanghali ng Sabado de Gloria sa Barangay North Poblacion ng nasabing bayan.

Kinilala ang naarestong high value target (HVT) na suspek na si Gian Carlo Suela, 24, SK kagawad ng Barangay Cabaducan West ng bayang ito.

Inaresto si Suela ng mga tauhan ng Nampicuan Police, bandang alas-12:15 ng tanghali kamakalawa, makaraang mabilhan ng police poseur-buyer ng 2 umanong piraso ng plastic sachet na may lamang marijuana.

Nang kapkapan pa ang suspek ay may nakuha pa sa kanyang pag-iingat na 8-sachet pa ng sinasabing pinatuyong dahon ng marijuana. Umaabot umano ito sa 10 gramo ang timbang at halagang P5,000.

Nahaharap ang suspek sa paglabag sa sections 5 and 11 Article II ng RA 9165 o ang  Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

SK
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with