^

5 rebeldeng may armas, sumuko

Christian Ryan Sta. Ana (Pilipino Star Ngayon) - April 4, 2021 - 12:00am

SAN JOSE CITY, Nueva Ecija, Philippines — Bitbit ang kanilang mga armas sumuko sa otoridad ang  limang rebeldeng New People’s Army (NPA) nitong Biyernes Santo

Ayon kay Police Col. Jaime Santos, provincial director ng Nueva Ecija Police, kusang-loob na sumuko sa pamahalaan ang  tatlong miyembro ng Communist Party of the Philippines - New People’s Army (CPP-NPA), at dalawang da­ting miyembro ng Liga ng Manggagawang Bukid (LMB) na nasa ilalim ng Alyansang Magbubukid ng Gitnang Luzon (AMGL).

Kinilala ang mga nagsisuko na sina “Ka Romeo”, dating mi­yembro ng LMB-AMGL noong 2014-2016, na nagsuko rin ng kanyang 12-gauge shotgun (no serial#.), may 3 bala; “Ka Juan”, dating CPP-NPA sa ilalim ng Arcadio Peralta command noong 1993-1995, nagsuko ng kanyang .38 revolver (walang SN), may 3 bala; “Ka Fred”, dating CPP-NPA sa ilalim ng Leopoldo Calusa command noong 2003; “Ka Ronnie”, dating LMB-AMGL noong 2004-2006; at “Ka Billy”, dating CPP-NPA sa ilalim ng Josepino Corpus command noong 1982 hanggang 1991.

Pormal na tinanggap ang kanilang pagsuko sa harap ng mga opisyal ng pulisya at Army.

NPA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with