^

Probinsiya

Drug suspect dedo sa buy-bust

Jojo Perez - Pilipino Star Ngayon

SAN MARCELINO, Zambales , Philippines — Isang drug suspect ang nasawi nang ito umano ay manlaban sa mga otoridad sa isang buy-bust operation, ­kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang nasa­wing suspek na si Richard Sparling, 41, residente ng West Dirita, San Antonio, Zambales.

Sa ulat, nagsanib puwersa ang Provincial Drug Enforcement Unit, San Marcelino Municipal Police Station at 2nd Provincial Mobile Force Company ZPPO para magsagawa ng anti-illegal drugs operation sa Barangay San Guil­lermo, San Marcelino, Zambales.

Sa gitna na transaksiyon ay nakahalata ang suspek na pulis ang poseur buyer kaya’t nang siya ay aarestuhin ay nanlaban umano ito kaya’t pinagbabaril hanggang sa masawi.

Narekober sa nasa­wing suspek ang isang heat sealed plastic sachet nag naglalaman ng hinihinalang shabu  at isang caliber 9mm pistola.

Dati na umanong naaresto kaugnay din sa kasong may kinalaman sa droga o Republic Act 9165 ang suspek sa kanilang lugar.

vuukle comment

ZPPO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with