^

10 sabungero huli sa tupada

Christian Ryan Sta. Ana (Pilipino Star Ngayon) - April 4, 2021 - 12:00am

NUEVA ECIJA, Philippines — Sampung kalalakihan ang iniulat na dinampot ng pulisya sa magkahiwalay na bayan sa lalawigang ito makaraang mahuling nagsasagawa ng tupada sa tagong lugar noong Biyernes Santo ng hapon.

Ayon kay Police Col. Jaime Santos, provincial director ng Nueva Ecija Police, limang sabungero, kabilang ang isang senior citizen ang nahuli ng Llanera PNP, habang lima rin, kabilang ang dalawang menor-de-edad ang ­inaresto ng Guimba PNP.

Nabatid sa Guimba Police na dalawang magkasabay na ‘tupada raid’ sa Brgy. Lamorito at Brgy. Maybubon, Guimba, NE, ang isinagawa ng mga tauhan ng Guimba PS, 303rd Coy RMFB3, 2nd Platoon, 2nd PMFC-NEPPO at PIU-NEPPO bandang alas-2:30 ng hapon.

Naaresto ang mga suspek na sina Fernando Oroy, 52, obrero, ng Brgy. Maybubon; Jeric Villafuerte, 20, ng Ramos, Tarlac; Ernesto Ramilo, 50, magsasaka ng Brgy. Lamorito; at ang dalawang 16-anyos na binatilyo.

Nabatid naman kay P/Major Romualdo Lopez, officer-in-charge ng Llanera PNP, bandang alas-4:40 ng hapon nang kanilang i-raid ang ilegal na sabong sa Purok 7 ng Brgy. Caridad Norte sa bayan ng Llanera.

Naaresto sina Fortunato Solomon, 59, ng Brgy. Sibut, San Jose City; Arsenio Asuncion Jr., 52, Romelito Dotillos, 41, at Gerry Astrero, pawang mga taga-Brgy. Porais, San Jose City; at si Gregorio Antonio, 62, ng nasabing barangay.

Nakakumpiska ang Guimba PNP ng apat na manok-panabong at bet money na P2,500, habang ang Llanera PNP ay 4 na panabong na manok, 1 tari, at bet money na P900.

Nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa PD 1602 (cockfighting /tupada) ang sampung nahuling suspek.

PNP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with