_ngayon
^

3 ‘tulak’ na dumayo, utas sa buy-bust

Christian Ryan Sta. Ana, Raymund Ca­tindig (Pilipino Star Ngayon) - April 1, 2021 - 12:00am

TALAVERA, Nueva Ecija, Philippines — Tatlong dayong­ lalaki na mga tulak umano ng droga ang napatay makaraang kumasa sa isinagawang drug buy-bust operation sa Barangay La Torre, dito, noong Martes Santo ng gabi.

Kinilala ni P/Lt. Col. Heryl Bruno, hepe ng pulisya, ang mga napatay na sina Danilo Botones alyas “Botones” na kabilang sa Unified Drugs Watchlist ng Nueva Ecija Police at ang mag-pinsang sina Roland Maniquiz at Leo Angeles, pawang residente ng General Tinio, Nueva Ecija.

Nabatid na dakong alas-11:05 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Drug Enforcement Unit ng Talavera Police at PIU-NEPPO sa nasabing lugar.

Matapos magpali­tan ng droga at marked money si Botones at police poseur buyer, naghinala umano ang mga suspek na pulis ang kanilang katran­saksyon kaya’t nauwi ito sa barilan at pagbulagta ng tatlong suspek.

Narekober sa encounter site ang isang caliber .45 pistol; dalawang caliber 38 revolver; empty cartridge cases ng nasabing mga armas; dalawang P500 buy-bust money, isang plastic sachet ng umano’y shabu at service vehicle ng mga nasawi.

HERYL BRUNO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with