_ngayon
^
Dayong âtulakâ utas sa buy-bust
Kinilala ni P/Lt. Col. Heryl Bruno, hepe ng pulisya rito, ang suspek na si Ronnie Dela Cruz, nasa hustong gulang ng Brgy. Bonifacio, Cabanatuan City.
STAR/ File

Dayong ‘tulak’ utas sa buy-bust

Christian Ryan Sta. Ana (Pilipino Star Ngayon) - March 31, 2021 - 12:00am

TALAVERA, Nueva Ecija, Philippines — Isa umanong dayong tulak ng droga ang napatay ng pulisya makaraang kumasa sa isinagawang buy-bust ope­ration sa Barangay Gulod ng bayang ito noong Lunes Santo ng gabi.

Kinilala ni P/Lt. Col. Heryl Bruno, hepe ng pulisya rito, ang suspek na si Ronnie Dela Cruz, nasa hustong gulang ng Brgy. Bonifacio, Cabanatuan City.

Nakatakas naman ang kasabwat ng suspek sakay ng isang motorsiklo nang matunugan nitong pulis ang kanilang katransaksyon.

Sa imbestigasyon, alas-10:40 ng gabi nang magpalitan ng droga at P1,000 marked money ang suspek at undercover agent. Gayunman, biglang nakatunog umano si Dela Cruz na pulis­ ang ka-deal sa droga kung kaya’t agad na bumunot umano ng baril at pinaputukan ang operatiba sanhi ng shootout na ikinabulagta ng una.

Nakuha sa napatay na suspek ang isang caliber .45 pistol, tatlong fired cartridge cases ng caliber 9mm, P1,000 marked money at 24 plastic sachet ng umano’y shabu na may tim­bang na 0.50 gramo at nagkakahalaga ng P10,000.

Ang suspek ay dati nang naaresto ng Sta. Rosa Police dahil sa pag­labag sa R.A. 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) at ka­bilang umano siya sa Unified Drugs Watchlist ng Nueva Ecija Police.

RONNIE DELA CRUZ
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with