^

2 ‘tulak’ todas sa Nueva Ecija buy-bust

Christian Ryan Sta. Ana (Pilipino Star Ngayon) - March 30, 2021 - 12:00am

NUEVA ECIJA, Philippines — Nasawi ang dalawang lalaking hinihinalang tulak ng droga makaraang kapwa umano manlaban sa magkahiwalay na buy-bust operation ng pulisya sa lalawigang ito, kahapon ng madaling-araw.

 Kinilala ni Police Col. Jaime Santos, provincial director ng Nueva Ecija Police, ang dalawang napatay na drug suspek na sina Samuel Catacutan ng Brgy. Campo Tinio at Ricky Samin ng Brgy. Bantog Norte, Cabanatuan City.

Sa ulat, ala-1:40 noong Lunes ng mada­ling-araw, nagsagawa ng buy-bust ang pulisya sa Purok Amihan, Brgy. Barrera sa Cabanatuan City laban sa suspek na si Catacutan.

Naghinala umano ang suspek na pulis ang katransakyon kaya biglang naglaban sanhi ng shootout na ikinasawi ng una. Nakuha sa suspek ang isang caliber .38, isang plastic sachet ng umano’y shabu, 4 fired cartridge cases (FCC) ng cal. 9mm at P500 marked money.

Sa Lupao, bulagta rin sa buy-bust operation ng Drug Enforcement Unit (DEU) operatives ang dayong si Samin makaraan umanong manlaban sa kasagsagan ng transaksyon sa Brgy. Mapangpang, bandang alas-4 ng madaling-araw.

Narekober ng Lupao Police sa encounter site ang isang caliber .38 revolver, isang plastic sachet ng umano’y shabu, 3 FCC ng cal.9mm at isang tricycle (EN-921) na sasakyan ng suspek. 

BUY-BUST
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with