_ngayon
^

SK chair na galing sa lamay, bugbog-sarado sa 3 siga

Christian Ryan Sta. Ana (Pilipino Star Ngayon) - March 29, 2021 - 12:00am

LAUR, Nueva Ecija, Philippines — Binugbog ng tatlo umanong sigang lalaki ang isang 24-anyos na Sangguniang Kabataan (SK) chairman matapos na manggaling sa lamay ng isang nasawing kaibigan sa Barangay Siclong ng bayang ito, Sabado ng madaling-araw.

Kinilala ni P/Major Chriostopher Baluyot, hepe ng pulisya rito, ang biktima na si Rezalino Mariano Jr., 24, binata, SK chairman ng Barangay Sagana ng ba­yang ito.

Boluntaryo namang sumuko kalaunan sa kanilang barangay hall ang mga suspek na sina John Weslie Bautista, 26, self-employed; Mark Lester Gonzales, 27, security guard; at Refun Garamfil, 29, jobless, pawang mga residente ng Barangay Siclong.

Ayon sa pulisya, alas-4 ng madaling-araw ga­ling sa lamay ng patay at pauwi na umano ang biktima kasama ang isang ka-barangay na si Dominador Santos nang magpang-abot sila ng tatlong suspek.

Isang hindi nakilalang lalaki na residente rin ng Barangay Siclong ang tumawag umano kay Santos at nakipagkuwentuhan dito. Sa puntong iyon ay nilapitan na ng tatlong suspek ang biktima at walang anu-ano ay pinagtulungang suntukin ang SK chairman.

Umawat naman si Santos at ilang tambay sa lugar at hindi nagtagal ay natigil din ang pananakit ng mga suspek sa biktima. Isinuko naman ng mga opisyal ng Barangay Siclong sa pulisya ang mga suspek na nahaharap sa kasong frustrated homicide. 

SANGGUNIANG KABATAAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with