_ngayon
^

Probinsiya

DV Boer Farms Inter Corp. muling sumulong

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Muling bumalik sa lara­ngan ng maayos na agrikultura at sa makabagong teknolohiya ang DV Boer Farms International Corporation kung saan ang modelong Paiwi business ay matagumpay na isinulong para tulungan ang mga nag-aalaga ng mga hayop sa probinsya kahit ngayong panahon ng pan­demya. Dahil sa makabagong programa, natulungan ni DV Boer founder and president Dexter “Dex” Villamin ang mga maliliit na sektor ng mga nag-aalaga ng iba’t ibang klase ng mga hayop sa bansa upang ito’y pagkakitaan at paghatian ang kinita matapos nila itong ibenta.

Aminado si Villamin na matinding dagok ang tumama sa kanilang mga sub-farms nung nakaraang taon gawa ng Covid-19 pandemic matapos ang kanilang matagum­pay na panimula noong unang parte ng 2020.

Samantala, matagum­pay na inihayag ng DV Boer Farms International Corp. ang pagkakawalang bisa ng mga bintang at demandang estafa ng ilang indibidwal matapos ibasura ng mga prosecutors ang kanilang kaso dahil sa kakulangan ng mga sapat na ebidensya kamakailan.

FARM
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with