_ngayon
^
3 magkakamag-anak tiklo sa P388K shabu
Kinilala ni P/Col. Jaime Santos, Nueva Ecija Police provincial director, ang mga naares­tong sina Rosemarie Santos, 41, may-asawa; Ryan Mikko Santos,18, binata, jobless, kapwa ng Barangay Bakod Ba­yan, Cabanatuan City, habang ang menor-de- edad na suspek ay taga-Barangay Campo Tinio ng nasabi ring lungsod.
Freeman Photo, file

3 magkakamag-anak tiklo sa P388K shabu

Christian Ryan Sta. Ana (Pilipino Star Ngayon) - March 26, 2021 - 12:00am

NUEVA ECIJA, Philippines — Aabot sa halagang P388K na shabu ang nasabat ng pulisya sa tatlong magkakamag-anak na ‘tulak’ umano ng droga, kabilang ang isang 17-anyos na babaeng estud­yante sa magkahiwalay na buy-bust operation kamaka­lawa ng gabi at kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ni P/Col. Jaime Santos, Nueva Ecija Police provincial director, ang mga naares­tong sina Rosemarie Santos, 41, may-asawa; Ryan Mikko Santos,18, binata, jobless, kapwa ng Barangay Bakod Ba­yan, Cabanatuan City, habang ang menor-de- edad na suspek ay taga-Barangay Campo Tinio ng nasabi ring lungsod.

Nabatid na bandang alas-11:50 ng gabi nitong Miyerkules ay nagsagawa ng buy-bust operation ang sanib-puwersa ng Nueva Ecija Police drug enforcement unit (PDEU).Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at city police unit sa Barangay Bakod Bayan, Cabanatuan City.

Ayon sa pulisya, binentahan ng dalawang babaeng suspek ang undercover agent ng isang sachet ng shabu, gamit ang P500 bill ‘marked money’.

Inaresto ang dalawang babaeng suspek matapos kapkapan sila ng pulisya at may nakuha pa umanong 9 na sachet ng umano’y shabu kay Santos, habang 11 pang sachet ang nakuha naman sa estudyante, na may timbang na 53 gramo at halagang P360,400.00

Samantala, bandang alas-12:30 ng madaling-araw ng Huwebes, nang maaresto naman sa isang buy-bust operation sa Berang sa bayan ng Sta. Rosa, Nueva Ecija, ang 18-anyos na suspek na si Ryan Mikko Santos.

Nakumpiska sa kanya ang 10 plastic sachet ng umano’y shabu na may timbang na halos 4 gramo at halagang P27,200 at isang cellphone.

Ang tatlong suspek ay kinasuhan sa paglabag sa sections 5 and 11 ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

SHABU
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with