^

Probinsiya

Karera ng motor: 1 utas, 1 sugatan

Doris Franche, Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
Karera ng motor: 1 utas, 1 sugatan
Kinilala ang nasawi na si Clark Vincent Ibañez, 22, may-asawa,ng Purok Dumpsite, Brgy. Saravia, ng lungsod habang nasugatan si Deomar Farnazo Espia, 31 ng Doña Lourdes, Brgy. Zone 2.
STAR/File

KORONADAL CITY, North Cotabato, Philippines — Isa ang nasawi habang isa ang nasugatan sa nangyaring karera ng mga motorsiklo sa lungsod ng Koronadal kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang nasawi na si Clark Vincent Ibañez, 22, may-asawa,ng Purok Dumpsite, Brgy. Saravia, ng lungsod habang nasugatan si Deomar Farnazo Espia, 31 ng Doña Lourdes, Brgy. Zone 2.

Ayon sa ulat ni PSSgt. Fely Bascon ng Koronadal PNP-Traffic section tumilapon at bumangga sa isang tricycle ang sinasakyang motor ni Ibañez habang nagkakarera sa kahabaan ng National highway Gensan Drive, Brgy. Zone 3.

Mabilis ang pagpapatakbo ni Ibañez ng kanyang motor at una itong nabangga ng kanyang kasamang nagkakarera at dahil nawalan ng control natumba ito at nadamay ang isang tricycle na minamaneho naman ni Espia

Idineklara naman na dead-on-arrival si Ibañez pagdating sa South Cotabato Provincial Hospital habang nagtamo ng sugat sa ulo si Espia.

MOTOR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with