_ngayon
^
2 gobernador tinamaan ng COVID-19
Ipinagbigay alam ni Umali sa kanyang Facebook page na bilang punong lalawigan ay obligas­yon niyang ihayag sa publiko ang kanyang kalagayang pang-kalusugan at kanyang ipinababatid na siya ay nagpositibo sa Covid-19 sa isinagawang antigen test sa kanya noong Marso 21.
Image by PIRO4D from Pixabay

2 gobernador tinamaan ng COVID-19

Christian Ryan Sta. Ana (Pilipino Star Ngayon) - March 23, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kapwa tinamaan ng virus sina Nueva Ecija Governor Aurelio Umali at Zambales Governor Hermogenes  Ebdane Jr.

Ipinagbigay alam ni Umali sa kanyang Facebook page na bilang punong lalawigan ay obligas­yon niyang ihayag sa publiko ang kanyang kalagayang pang-kalusugan at kanyang ipinababatid na siya ay nagpositibo sa Covid-19 sa isinagawang antigen test sa kanya noong Marso 21.

Sa ikalawang pagkakataon ay muling sumailalim sa PCR swab test nitong Lunes at lumabas na kumpirmadong positibo sa COVID-19.

Maging si Governor ­Ebdane Jr., ay nasa isolation area na matapos  magpositibo sa COVID-19.

Sinabi ni Ebdane na mahigpit naman niyang sinusunod ang umiral na safety and health protocols, subalit dahil sa klase ng kanyang trabaho ay malaki ang posibilidad na na expose siya at hindi nito maiiwasan ang nakakahawang virus.

Inihayag din ng gobernador ang mga lugar na kanyang pinuntahan at maging ang kanyang mga nakasama sa nagdaang okasyon sa nasabing petsa.- Jojo Perez

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with