^

Mag-utol na wanted sa pagpatay, nadakip

Victor Martin (Pilipino Star Ngayon) - March 22, 2021 - 12:00am

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines — Bumagsak na sa kamay ng batas ang magkapatid na kapwa top most wanted matapos madakip ng mga otoridad sa bayan ng Aurora, Isabela kamakalawa.

Kinilala ang magkapatid na sina Dexter Gregorio at Eduardo Gregorio, kapwa residente ng Barangay. 4, San Mateo, Isabela na tinaguriang number 1 at no.2 most wanted sa municipal level dahil sa kasong pagpatay.

Sa ulat, nilusob ng mga otoridad ang pinagtataguan ng magkapatid sa Maddela, Quirino para isilibi ang warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Bernabe Mendoza ng RTC Branch 23 Roxas, Isabela.

Hindi na pumalag ang magkapatid at mapayapang sumuko sa mga otoridad.

Walang inirekomendang piyansa ang korte para sa pansamantalang kalayaan ng magkapatid.

MOST WANTED
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with