_ngayon
^

Probinsiya

Mahigit 600 pamilya nasunugan sa Cavite

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

KAWIT, Cavite, Philippines —  Nasa mahigit 600 pamilya ang nawalan ng kanilang mga bahay sa naganap na sunog kamakalawa sa Brgy. Samala-Marquez  sa bayang ito.

Sa nakalap na ulat mula sa Kawit Fire Station, alas 12:20 ng madaling araw nitong Biyernes nang sumiklab ang sunog sa isang  bahay at tuluyang kumalat at nadamay ang iba pang mga kabahayan na  pawang gawa sa light materials na matatagpuan sa kahabaan ng Covelandia Road ng nasabing barangay.

Umabot ng  3rd alarm  ang nasabing sunog na tumagal ng may mahigit sa 6 na oras bago ito tuluyang naapula .

May mga ulat na nasugatan,subalit wala namang namatay.Patuloy ang imbestigasyon kung paano nagsimula ang sunog.

KAWIT
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with