^
Ama todas sa gulpi ng anak
Kinilala ng pulisya ang napatay na si Reynaldo Daprosa habang ang suspect ay ang anak nitong si Alexis.
STAR/File

Ama todas sa gulpi ng anak

Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - March 9, 2021 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Arestado ang isang 26-anyos na obrero matapos nitong mapatay sa gulpi ang sariling ama sa Brgy. Tupang, Alcala, Cagayan kamakalawa.

Kinilala ng pulisya ang napatay na si Reynaldo Daprosa habang ang suspect ay ang anak nitong si Alexis.

Inaalam pa ng mga imbestigador kung ano ang pinag-awayan ng mag-ama na nauwi sa pambubugbog ng nakababatang Daprosa sa kanyang tatay dakong alas-3:00 ng hapon.

Nabatid na matapos gulpihin ay iniwan ni Alexis ang amang nakahandusay at walang ulirat sa labas ng kanilang bahay hanggang sa umaga ng sumunod na araw, nadiskubre si Reynaldo na isa nang malamig na bangkay.

Dinala ng mga rumespondeng pulis ang mga labi ng matanda sa punerarya upang isailalim sa post mortem examination habang nananatiling walang kibo ang anak nito sa loob ng kanyang selda at hindi pa makapagbigay ng salaysaly sa mga pulis.

KRIMEN PATAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with