^
âDrive-thru saliva testingâ ng PRC nasa Lipa City na
Ayon sa PRC, naki­pagtuwang ito sa isang outlet shopping destination sa Lipa para makapagsagawa ng drive-thru saliva testing sa LIMA Estate upang makapag-avail ang mga residente ng lungsod at mga kalapit na lugar, ng COVID-19 testing sa mas kumbin­yente, hindi invasive at mas ligtas na paraan.
The STAR/Walter Bollozos, file

‘Drive-thru saliva testing’ ng PRC nasa Lipa City na

Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - March 9, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nag-aalok na rin ang Philippine Red Cross (PRC) ng COVID-19 drive-thru saliva testing sa Lipa City, Batangas.

Ayon sa PRC, naki­pagtuwang ito sa isang outlet shopping destination sa Lipa para makapagsagawa ng drive-thru saliva testing sa LIMA Estate upang makapag-avail ang mga residente ng lungsod at mga kalapit na lugar, ng COVID-19 testing sa mas kumbin­yente, hindi invasive at mas ligtas na paraan.

Nabatid na maaaring makapagpa-saliva test sa naturang lugar ang mga residente mula Lunes hanggang Biyernes ngalas-8:00 ng umaga hanggang alas-4:00 ng hapon sa halagang P2,000 lamang.

Anang PRC, ang collection process ay aabutin lamang ng 10 minuto at ang resulta nito ay direktang ipapadala sa e-mail address ng taong nagpasuri, sa loob lamang ng 12-40 oras matapos ang testing.

Ayon kay PRC Chairman at CEO, Senator Richard Gordon, ang pagpapasuri ay susi upang matuldukan ang pagkalat ng virus. Sa pamamagitan aniya ng mga drive-thru centers na kanilang itinatayo ay magiging mas madali at mas mabilis na ang pagsusuri.

COVID-19 PHILIPPINE RED CROSS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with