^

Pagbabakuna kontra COVID-19 umarangkada na sa Bulacan

Omar Padilla (Pilipino Star Ngayon) - March 9, 2021 - 12:00am

MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Pormal nang sinimulan ang pagbabakuna laban sa COVID-19 sa lalawigang ito sa itinalagang COVID-19 vaccination site sa The Pavilion Hiyas ng Bula­can Convention Center sa lungsod na ito kahapon.

Bago ito, isinagawa ang simbolikong pagbabakuna sa harap ng vaccination site na dinaluhan nina Gob. Daniel Fernando, Bokal Alexis Castro at mga pinuno ng tanggapan sa Kapitolyo kung saan unang binakunahan ng Sinovac’s Coronavac Vaccine ni Development Management Officer V Dr. Emily Paulino ng Department of Health – Bulacan sina Response and Vaccine Cluster Head ng Provincial Task Force at Chief of Hospital Dr. Hjordis Marushka Celis, Hospital Training Officer Dr. Jose Emiliano Gatcha­lian at Nurse Supervisor Alma Villena ng Bulacan Medical Center ayon sa pagkakasunud-sunod.

Layon ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan na mabakunahan ang may 300 indibiduwal kada araw na bahagi ng 833 health workers, frontliners at mga empleyado mula mga district hospital at PHO-PH na kabilang sa mga prayoridad na ma­bigyan ng unang dose ng bakuna.

Sinigurado rin ni Fernando, Paulino at Celis na may Emergency Use Authority (EUA) na aprubado ng Food and Drug Administration ang mga bakunang gagamitin.

Nagpasalamat naman si Dr. Jerica Miah Borgonia, isa sa mga nabakunahan mula sa BMC, dahil sa kaayusan at proseso ng pagbabakuna ng Pamahalaang Panlalawigan.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with