^

Probinsiya

3 patay, 1 malubha sa motor crash

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon
3 patay, 1 malubha sa motor crash
Nasawi habang ginagamot sa magkaibang ospital ang mga lolang sina Patricia Besa, 63, at Lilia Berbano, 60, na magkasunod na binangga ng motorsiklo habang tumatawid sa lungsod na ito at Brgy Simpatuyo, Sta. Teresita, Cagayan.
STAR/File

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Tatlong katao ang nasawi habang isa ang malubhang nasugatan sa magkakahiwalay na aksidente ng motorsiklo sa Cagayan at Isabela noong Sabado.

Nasawi habang ginagamot sa magkaibang ospital ang mga lolang sina Patricia Besa, 63, at Lilia Berbano, 60, na magkasunod na binangga ng motorsiklo habang tumatawid sa lungsod na ito at Brgy Simpatuyo, Sta. Teresita, Cagayan.

Inaresto ng mga nagrespondeng pulis sina Ferdinand Arches, 25, sa lungsod na ito at Alexander Santiago, 20, sa Sta. Teresita matapos ang insidente.

Sa Cauayan City, ­Isabela; namatay ang rider na si Santi Belen nang salpukin niya ang delivery van na lumilikong pakaliwa sa Barangay Alinam.

Sugatan naman ang angkas ni Belen na si Marnel Collado na inoobserbahan sa hospital. Sumuko naman sa awtoridad  ang driver ng delivery van na si Leo Alvin Pagtulingan matapos ang sakuna.

CRASH

MOTOR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with