^
Van swak sa 180 metrong bangin: Mag-asawa patay, 2 grabe
Kinilala ng pulisya ang mga nasawi na sina Daniel at Marilou Minong habang ang kanilang drayber na si Edgar Baddongon at utol niyang si Jerrymar ay nasugatan at nilalapatan ng lunas sa Kalinga District Hospital.
STAR/ File

Van swak sa 180 metrong bangin: Mag-asawa patay, 2 grabe

Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - March 7, 2021 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines — Nasawi ang mag-asawa habang dalawa pa ang malubha matapos mahulog sa 180 metrong bangin ang sinasakyan nilang van sa Brgy. Balinsiago Sur, Pasil, Kalinga noong Biyernes.

Kinilala ng pulisya ang mga nasawi na sina Daniel at Marilou Minong habang ang kanilang drayber na si Edgar Baddongon at utol niyang si Jerrymar ay nasugatan at nilalapatan ng lunas sa Kalinga District Hospital.

Dalawa pa sa mga pasahero na sina Ariel Lapitan at Johnreich Dawaton ay nakaligtas matapos makatalon palabas ng sasakyan bago nahulog.

Ayon sa report, nawalan ng kontrol ang drayber sa manibela nang mawalan ng preno ang sasakyan saka dumiretso sa bangin dakong alas-4:00 ng hapon. Patungo na sana ang mga biktima sa ba­yan ng Lubuagan nang maganap ang trahedya.

Naging pahirapan naman sa mga tumugon na emergency respon­ders ang paghango sa mga biktima dahil sa tarik ng bangin at bunsod ng kadiliman ng gabi sa lugar.

DANIEL
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with