^
P13.6 milyong shabu nasabat sa mail parcel
Arestado naman ang suspek na tumanggap ng parcel na si Jayson Quijoy, 37, residente ng #40 Pangasinan Street, Bago Bantay, Quezon City.
STAR/ File

P13.6 milyong shabu nasabat sa mail parcel

Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - March 7, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Umiskor ang mga operatiba ng anti-illegal drugs matapos na maharang ang P13.6 milyong halaga ng shabu na ipinupuslit papasok sa bansa sa pamamagitan ng mail parcel sa isinagawang operasyon sa Sta Maria, Bulacan nitong Biyernes.

Arestado naman ang suspek na tumanggap ng parcel na si Jayson Quijoy, 37, residente ng #40 Pangasinan Street, Bago Bantay, Quezon City.

Sa ulat na tinanggap ni PNP Chief P/Gen. Debold Sinas, si Quijoy ay nasakote ng mga elemento ng PNP Drug Enforcement Group (PDEG) sa Pantaleon Street, Brgy. Guyong, Sta. Maria sa controlled delivery operation ng shipment ng illegal na droga.

Sa ulat ni PDEG Director P/Brig. Gen. Ronald Lee, si Quijoy ay consignee ng parcel na ibiniyahe ng Glus SDN BHD ng 18 G Jalan SG 3/2 Taman SRI Gombak 68100 Batu Caves, Selangor, Malaysia.

Ang nasabing parcel ay nadiskubre ng NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group kaya’t agad na ikinasa ang operasyon sa consignee nito o taong tatanggap ng naturang ipinuslit na ilegal na droga.

Sinabi ni Lee na ang nasabing parcel na idineklarang “steamboat with grill” ay naglalaman ng 2,003 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P13.6 milyon na nakalagay sa dalawang steamboats/hot pot.

Si Quijoy ay inaresto sa aktong tinatanggap ang nasabing parcel sa courier service sa tahanan nito sa #123 Pantaleon 11 Street, Bypass Guyong, Sta. Maria.

PNP
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with