^
171 wanted sa Cagayan Valley nalambat
Batay sa report ng Police Regional Office 02 (PRO2) ang pagkadakip sa mga most wanted na nahaharap sa iba’t ibang mga kaso ay resulta ng 7-araw na Simulta­neous Anti-Criminality Law Enforcement Operations (SACLEO) na isinagawa ng pulisya mula sa iba’t ibang himpilan sa Isabela, Cagayan, Batanes, Quirino at Nueva Vizcaya, kabilang ang tatlong mga siyudad sa rehiyon sa gitna ng pan­demya dulot ng COVID-19.
STAR/ File

171 wanted sa Cagayan Valley nalambat

Victor Martin (Pilipino Star Ngayon) - March 7, 2021 - 12:00am

SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines — Umabot sa 171 na wanted persons na kinabibilangan ng 57 top most wanted ang dinakip ng mga awtoridad sa magkakahiwalay na lugar sa Cagayan Valley (region 2) ayon sa ulat ng kahapon.

Batay sa report ng Police Regional Office 02 (PRO2) ang pagkadakip sa mga most wanted na nahaharap sa iba’t ibang mga kaso ay resulta ng 7-araw na Simulta­neous Anti-Criminality Law Enforcement Operations (SACLEO) na isinagawa ng pulisya mula sa iba’t ibang himpilan sa Isabela, Cagayan, Batanes, Quirino at Nueva Vizcaya, kabilang ang tatlong mga siyudad sa rehiyon sa gitna ng pan­demya dulot ng COVID-19.

Sinabi ni P/Brig. Gen. Crizaldo Nieves, PRO2 director, sa kanyang report kay PNP Chief, Police General Debold Sinas na maliban sa mga nadakip na 171 mga most wanted ay inaresto rin ng Valley cops ang 537 katao na nahaharap naman sa iba pang paglabag. Kabilang na rito ang pagkadakip ng 34 katao dahil sa paglabag sa forestry laws o illegal logging; 29 ang nadakip sa illegal drugs; 110 na lumabag sa anti-illegal gambling at 8 iba pa ang nadakip sa pag-iingat ng hindi lisensyadong baril.

Inaresto rin ng pulisya ang 7 miyembro ng Milisya ng Bayan at isang regular na mi­yembro ng New People’s Army (NPA) habang 356 iba pa ang nadakip naman sa paglabag sa iba pang special laws at local ordinances.

PRO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with