^
Vaccination rollout arangkada na sa Cordillera
Unang sumalang sa pagbabakuna ang pinuno ng BGHMC na si Dr. Ricardo Ruñez. Ito ay alinsunod sa pa­nuntunan ng IATF na mauuna muna sa ino­culation drive laban sa COVID-19 ang mga medical health workers at frontliners.
AFP/Yaksin Akgul

Vaccination rollout arangkada na sa Cordillera

Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - March 6, 2021 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY, Philippines — Umarangkada na sa Cordillera Autono­mous Region (CAR) ang vaccine rollout na inumpisahan sa Baguio General Hospital and Medical Center (BGHMC) kahapon.

Unang sumalang sa pagbabakuna ang pinuno ng BGHMC na si Dr. Ricardo Ruñez. Ito ay alinsunod sa pa­nuntunan ng IATF na mauuna muna sa ino­culation drive laban sa COVID-19 ang mga medical health workers at frontliners.

Itinurok kay Ruñez­ at sa nakalistang 1,871 medical frontliners ng BGHMC ang Sinovac vaccine na donasyon ng pamahalaan ng China.

May kabuuang 7,800 vials ng Sinovac ang dumating sa Baguio City noong Huwebes ng gabi at diretsong inilagak sa cold sto­rage facility ng Department of Health-Cordillera. Mahigit 3,500 health workers ang inaasahang mababakunahan sa susunod na mga araw.

Bukod sa BGHMC, nakatakda ring isagawa ang pagbabakuna sa Lunes sa Benguet Ge­neral Hospital (BeGH) habang nakapila na rin sa susunod na mga araw ang medical health workers ng Luis Hora Regional Memorial Hos­pital, Kalinga Provincial Hospital at Bontoc Ge­neral Hospital.

COVID-19 VACCINE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with