^

Bakuna kontra COVID-19 dumating na sa Cagayan Valley

Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - March 6, 2021 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY, Philippines — Inaasahang isa­sagawa na ang pagba­bakuna sa Cagayan Valley matapos duma­ting na ang inisyal na 10,800 vials ng COVID- 19 vaccine na gawa ng Sinovac Biotech na hinatid ng commercial flight ng Cebu Pacific sa lungsod na ito kahapon.

Ang vaccine shipment ay ang kauna-unahang paglapag ng eroplano sa domestic airport dito mula nang isara may isang taon na ang nakalipas bunsod ng deklarasyon ng Luzonwide Enhanced Community Quarantine­ nang pumutok ang pan­demya.

Ang mga bakuna ay tinanggap ni Depart­ment of Health Regional Director Rio Mag­pantay na siyang sumabay sa paglipat ng mga ito sa cold sto­rage facility ng kanyang tanggapan.

Mahigit 5,000 health workers ang inaasahang matuturukan ng double doses ng bakuna na ita­takda sa mga susunod na araw.

Kabilang sa mga hospital at pasilidad na babagsakan ng bakuna ay ang Cagayan Valley Medical Center, People’s General Hospital of Tuguegarao, Southern­ Isabela Medical Center­, Region 2 Trauma and Medical Center, Regional PNP Health Sta­tion dito at Batanes Pro­vincial Hospital.

COVID-19 VACCINE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with