^

Bisita na 4-days ‘staycation’ sa Subic sasalang sa swab test

Jojo Perez (Pilipino Star Ngayon) - March 6, 2021 - 12:00am

SUBIC BAY FREEPORT, Philippines — Kinakaila­ngang­ sumailalim sa COVID-19 RT PCR test ang mga bibisita sa Subic Freeport na mahigit sa apat na araw ang pananatili o pagbabakasyon, ayon sa pamunuan ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA).

Sinabi ni SBMA Chairman at Adminis­tra­tor­ Atty. Wilma Eisma, bagama’t wala nang kailangang travel do­­cu­ments para sa mga bibisita sa Subic Free­port alinsunod sa ipi­­nalabas na IATF Resolution No. 101 ay kinakailangan pa ring sundin ang umiiral na safety and health protocol dito.

Maaari umanong isa­gawa ang RT PCR test sa pamamagitan ng pagkuha ng saliva sample o swab test sa unang araw ng ka­nilang pagdating­ sa Subic Freeport o bago ang kanilang check-in accommodations. Nag­kakahalaga ng P2,000 ang COVID-19 saliva test ha­bang P4,000 naman ang presyo ng swab test.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with