^

Parak utas, 2 pa sugatan sa ambush

Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - March 6, 2021 - 12:00am

NORTH COTABATO, Philippines — Isa na namang­ pulis ang nasawi habang sugatan ang da­lawang kasama nito matapos silang tamba­ngan at pagbabarilin sa Purok 15-B, Barangay Polonuling, Tupi, South Cotabato, kahapon ng umaga.

Kinilala ang namatay na si P/Staff Sgt. Reynante Escuela Espero na siyang driver ng kotse na kulay silver (LAC-4309). Isinugod sa isang pribadong ospital sa Koronadal City ang kabaro nitong sina Staff Sgt. Rey Jerome Fortunato Silvederio at Staff Sgt. Jorex Basay Velasco sa Koronadal City.

Ang naturang mga pulis ang pawang naka-assign sa Regional Police Holding and Administrative Unit sa General Santos City at dating natalaga sa Koronadal City Police.

Inihayag ni Captain­ Junel Rey Gatera, hepe ng Tupi Police na habang bumabagtas ang mga biktima sa nasabing lugar nang tamba­ngan ng mga ’di kilalang suspek na lulan ng To­yota Fortuner pasado alas-6:00 ng umaga.

Narekober sa pi­nang­yarihan ng krimen­ ang napakaraming basyo ng bala.

AMBUSH
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with