^

Big-time drug peddler huli sa P6.8 million shabu

Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - March 6, 2021 - 12:00am

COTABATO CITY, Philippines — Arestado ang isang bigtime drug peddler matapos masamsaman­ ng nasa P6.8 milyong ha­laga ng shabu sa isinagawang operasyon ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-BARMM, Phi­lippine Marines at Phl Army sa Malabang, La­nao del Sur kamakalawa.

Kinilala ni PDEA-BARMM Regional Director Juvenal Azurin ang nahuling suspek na si Romie Diamillah Hadji Alawi, nasa hustong gulang.

Isinagawa ang ope­rasyon ng mga operatiba, alas-11:40 ng umaga matapos na ma­­kipagtransaksyon ang suspek sa isang un­dercover agent sa Brgy. Mataling, Malabang. Hindi na siya nakapa­lag nang arestuhin ng PDEA.

Nakuha sa suspek ang isang kilong shabu, cal. 22 pistol, bagong Toyota Hi-Lux vehicle at boodle money.

PDEA SHABU
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with