^
3-anyos hinalay ng tiyo
Kinilala ang suspek na si Arman Magadia, binata, mangingisda at residente ng Barangay Calapandayan, Subic, Zambales na nahaharap sa kasong Rape in relation to Republic Act 7610 (Anti Child Abuse Law).
STAR/ File

3-anyos hinalay ng tiyo

Jojo Perez (Pilipino Star Ngayon) - March 5, 2021 - 12:00am

SUBIC, Zambales, Philippines — Sa kulungan ang bagsak ng isang 24-anyos na  tiyuhin matapos na mahuli sa aktong ginagahasa ang kanyang 3-anyos na pamangkin sa loob ng kuwarto ng bayang ito, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang suspek na si Arman Magadia, binata, mangingisda at residente ng Barangay Calapandayan, Subic, Zambales na nahaharap sa kasong Rape in relation to Republic Act 7610  (Anti Child Abuse Law).

Ayon sa ulat, nangyari ang insidente. alas-7:30 ng gabi sa loob ng kuwarto ng batang biktima nang pasukin umano ng suspek at gawan ng kahalayan.

Nang mga sandaling iyon ay nasa labas naman ng kanilang kuwarto ang nanay ng biktima at nagduda sa suspek na isinara ang pinto.

Puwersahang binuksan ng ina ang pinto at  naabutan nito ang suspek na itinataas ang panty ng kanyang anak at  nagmamadaling tumakas.

Tinanong ng nanay ang anak at na nagkuwento kaugnay sa ginawang kahalayan ng tiyuhin.

Kaagad namang humingi ng tulong ang nanay ng biktima  kay Kagawad Ernesto Bonilla Jr. ng Barangay Calapandayan at magdamag na  hinanap ang tumakas na suspek na kalaunan ay nagtatago pala sa likod bahay ng mga  biktima at isinuko sa himpilan ng pulisya.

SUBIC
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with