^
Drug suspect dedo sa shootout
Nakilala ang nasawing suspect na si Rahib Aplal, residente rin ng nabanggit na lugar.
STAR/ File

Drug suspect dedo sa shootout

Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - March 5, 2021 - 12:00am

KABACAN, North Cotabato, Philippines — Isang drug suspect ang nasawi matapos umanong manlaban sa mga otoridad na magsi­silbi ng warrant of arrest naganap kamakalawa sa Barangay Banawag ng nasabing bayan.

Nakilala ang nasawing suspect na si Rahib Aplal, residente rin ng nabanggit na lugar.

Sa ulat, alas-3:00 ng madaling araw nang isa­gawa ang pagsisilbi ng warrant of arrest sa suspek sa kasong murder na pinangunahan ng Regional Intelligence Division ng Police Regional Office 12 at local PNP.

Batay sa mga pulis, papalapit pa lamang sila sa bahay ng suspek nang putukan nito ang mga una na masuwerteng walang tinamaan.

Gumanti ng putok ang mga pulis at nasapul ang suspek na naisugod pa sa ospital, pero ideneklara itong patay ng mga doktor.

Nakuha naman sa suspek ang mga armas, bala maging ang illegal drugs at paraphernalias.

PNP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with