^
Estudyante na nagnakaw ng kambing, napatay
Kinilala ni Koronadal City PNP Chief Investigator Police Lieutenant Reynaldo Sotelo ang nasawing suspek na si Dexter Dela Cruz, 21,at nakatira sa Norala, South Cotabato.
STAR/ File

Estudyante na nagnakaw ng kambing, napatay

Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - March 5, 2021 - 12:00am

KORONADAL CITY, South Cotabato, Philippines — Patay ang isang estudyante matapos barilin ng caretaker dahil sa pagnanakaw nito ng kambing sa binabantayan nitong goat farm sa Barangay Concepcion.

Kinilala ni Koronadal City PNP Chief Investigator Police Lieutenant Reynaldo Sotelo  ang nasawing suspek na si Dexter Dela Cruz, 21,at nakatira sa Norala, South Cotabato.

Batay sa ulat, alas-2:00 ng hapon ay naaktuhan umano ng caretaker na si Jimmy Villa,52 ang suspek na ninanakaw nito ang kambing na kanyang binabantayan sa Bueno goat farm sa Barangay Concepcion.

Nag-warning shot umano si Villa at sa halip na tumigil ay  tumakbo pa rin ito  at dalawang kasama tangay ang ninakaw na kambing kaya binaril na ito ni Villa.

Si Dela Cruz ay nagtamo ng matinding tama ng bala ng baril sa tiyan na naging sanhi ng kanyang dagliang pagkasawi.Habang nakatakas naman ang dalawa nitong mga kasama.

Narekober ng mga pulis sa lugar ng pamamaril ang 12 gauge shot gun ng suspect na si Villa na inaresto ng mga otoridad.

PNP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with