^

Tandem malubha sa salpok

Tony Sandoval (Pilipino Star Ngayon) - March 5, 2021 - 12:00am

LUCENA CITY, Quezon , Philippines — Kapwa malubhang nasugatan ang isang 29-anyos na binatang rider at angkas niyang menor-de-edad makaraang bumangga ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa kasalubong na kotse sa Eco-Tourism road na sakop ng Purok San Isidro, Barangay Mayao Parada kamakalawa ng hapon.

Nabali ang mga hita at nagtamo ng grabeng kapinsalaan sa kanilang mga ulo sina John Mark Den, at alias Randy, 16, estudyante at mga residente ng Barangay Cotta.

Sa ulat na tinanggap ni PLt.Col.Romulo Albacea, chief of police dito, dakong alas 5:30 ng hapon ay patungo sa Talao-talao pier ang mga biktima na sakay ng isang Honda click motorcycle at kapwa walang mga suot na helmet.

Nag-overtake ang mga biktima sa isang motorsiklo gayunman ay bahagya silang sumabit sa kaliwang side mirror na naging dahilan upàng magpagewang-gewang at dahil  mabilis ang takbo ay hindi na nakaiwas at tuluyang sumalpok sa kasalubong na Ford Lynx na minamaneho ni Mark Andrew Pineda ng Barangay Gulang-gulang.

Tumilapon sa bubong ng kotse si Den habang sa gilid ng kalye naman si alias Randy na kapwa walang malay nang dalhin ng mga rescuer sa ospital.

ECO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with