^
Preso na COVID-19 suspect pumuga sa isolation facility
Kinilala ang pumugang bilanggo na si Fernando Ducay Mer­­cader ng Brgy. Ma­cawayan at may kinakaharap na kasong­ 6-counts of rape in relation to Republic Act 7610.
Efigenio Toledo IV/File

Preso na COVID-19 suspect pumuga sa isolation facility

Jorge Hallare (Pilipino Star Ngayon) - March 4, 2021 - 12:00am

IROSIN, Sorso­gon , Philippines — Tinutugis na ng pu­lisya ang isang 55-anyos na preso na inakusahang rapist at hinihinalang nagta­tag­­­lay ng virus, matapos na tumakas sa CO­VID-19 quarantine faci­lity sa isang piitan sa bayang ito kamakalawa ng umaga.

Kinilala ang pumugang bilanggo na si Fernando Ducay Mer­­cader ng Brgy. Ma­cawayan at may kinakaharap na kasong­ 6-counts of rape in relation to Republic Act 7610.

Sa ulat, dakong alas-8:40 ng umaga nang madiskubre ng roving guard ang pagkawala ni Mercader sa isolation facility ng mga preso na hinihinalang may COVID-19 sa ika­lawang palapag ng gusali sa tabi ng Irosin Municipal Police Station sa Pob­lacion.

Pinaniniwalaang sinamantala ni Mercader na tumakas habang nasa isolation room at walang mahigpit na bantay.

Si Mercader at tatlong iba pang preso ay inilagak sa isolation facility matapos na isa sa kanilang kasamahang preso ang nagpositibo sa COVID matapos ang ginawang RT-PCR swab test.

CO­VID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with