^

73 preso, 4 kawani may COVID-19 sa Benguet jail

Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - March 4, 2021 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY,  Cagayan , Philippines —  Nagpositibo sa COVID-19 ang 73 na bilanggo at apat na kawani ng Provincial Jail sa La Trinidad,  Benguet kamakalawa.

Ayon kay La Tri­ni­­dad Mayor Romeo Salda, nakumpirma na tinamaan ng COVID-19 ang mga bilanggo at kawani kasunod ng isinagawang mass testing sa bilangguan noong Pebrero 26 ma­tapos magpositibo sa virus ang isang kawani ng nasabing jail noong Pebrero 23.

Dahil sa pangyayari, isinailalim sa lockdown ang bilangguan upang bigyang daan ang disinfection doon at pagsasagawa ng malawa­kang contact tracing.

Sa pinakahuling tala ng Provincial Health Office, ang La Trinidad ay may 1,618 na kumpirmadong kaso ng CO­VID-19, 161 ang aktibo at 33 katao na ang nasawi.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with