^
2 kawatan, tiklo sa boga
Kinilala ni P/Major Fortune Diane Bernardo, hepe ng pulisya rito, ang mga suspek na sina Dominador dela Cruz Jr., 44, vulcanizer, ng Sitio Asias, Brgy. Soledad, dito at Nilo Macapagal, 18, binata, magsasaka ng Brgy. San Juan, Aliaga, NE.
STAR/File

2 kawatan, tiklo sa boga

Christian Ryan Sta. Ana (Pilipino Star Ngayon) - March 3, 2021 - 12:00am

STA. ROSA, Nueva Ecija, Philippines — Arestado ang dalawang lalaki matapos na makuhanan ng baril at nabistong tumangay ng isang electric water pump sa Purok 7, Brgy. Luna ng bayang ito, kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ni P/Major Fortune Diane Bernardo, hepe ng pulisya rito, ang mga suspek na sina Dominador dela Cruz Jr., 44, vulcanizer, ng Sitio Asias, Brgy. Soledad, dito at Nilo Macapagal, 18, binata, magsasaka ng Brgy. San Juan, Aliaga, NE.

Nabatid na ala-1:40 ng madaling-araw kahapon, habang nagpapatrolya ang pulisya ng Sta. Rosa sa  isang bukirin sa naturang lugar ay naispatan nila ang dalawang suspek habang magkatulong na buhat-buhat ang isang electric water pump at isinasakay sa nakaparadang tricycle na may plakang 5449OI.

Dito na naghinala ang pulisya na may ginagawang kalokohan ang dalawang suspek kaya kanilang nilapitan at tinanong. Habang sumasagot umano ang dalawang suspek ay napansin ng isang pulis na tila may dinudukot ang suspek na si dela Cruz sa kanyang sling bag.

Dahil dito, inutusan ng pulis ang suspek na huwag kikilos ng masama at itaas lang ang kamay saka agad na kinuha ng una ang bag at nakita sa loob nito ang isang caliber .38 revolver na may apat na bala..

Nabawi rin ang ninakaw ng mga suspek na water pump na pag-aari ni Tomacito de Guzman, 45.

ARESTADO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with