^

Bahay ng negosyante pinasok: Katulong iginapos at binalutan ng packing tape

Cristina Timbang (Pilipino Star Ngayon) - March 3, 2021 - 12:00am

2 suspek nagpakilalang courier

CAVITE, Philippines — Nilimas ng dalawang nagpakilalang delivery courier ang lahat ng alahas, pera at iba pang mahahalagang gamit sa loob ng bahay ng isang businesswoman matapos nilang pasukin ang bahay nito at igapos ang naiwang katulong saka binalutan ng packing tape sa mukha kahapon ng madaling araw sa loob ng sang subdivision sa Brgy. Sampaloc 3 ng lungsod na ito.

Namukhaan naman ng katulong ang dalawang suspek na kanilang ka-barangay na sina George Tatad Francis at Christian Fernandez, kapwa nasa hustong gulang at residente rin sa nasabing lugar.

Ayon sa iginapos na biktima, nagpakilala pang mga delivery courier ang mga suspek at ide-deliver ang ‘di umano’y inorder ng kanyang amo.

Ayon sa kasambahay na si Delia Ferrer Pastrana,  dakong ala-12:10 umano ng madaling araw nasa kasarapan na siya ng tulog nang may kumatok sa kanilang bahay na pag-aari ng among si Eva Santos Solis, ng Blk. 2, lot 11, Phase 1, Fatima Heights Subd., Brgy., Sampaloc 3, ng lungsod na ito.

Inakala umano ng katulong na ang kanyang amo ang dumating kaya agad niyang pinagbuksan. Pero pagbukas ng pinto, agad siyang itinulak papasok ng dalawang suspek at tinutukan ng baril saka pinagtulungang igapos saka nilagyan ng packing tape sa ulo nito.

Agad na ipinasok ng mga suspek ang katulong sa comfort room ng bahay saka sinimulan nilang maghalughog at limasin ang lahat ng kagamitan sa loob ng bahay sa loob lamang ng 10 minuto.

DELIVERY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with