^

Mister, buntis na misis niratrat sa bahay

Jorge Hallare (Pilipino Star Ngayon) - March 3, 2021 - 12:00am

LIGAO CITY, Albay, Philippines — Kapwa isinugod sa ospital at nagpapaga­ling ang isang mister at buntis na asawa nito matapos silang pasukin sa loob ng bahay at pagbabarilin ng kaalitan sa Brgy. Nabonton ng lungsod na ito kamakalawa ng gabi.

Tinamaan ng punglo sa noo ang biktimang si Ronman Huit Pedres, 35-anyos at sa likod naman ang misis na si Kathrina, 32-anyos at anim na buwang buntis, habang tinutugis na ang suspek na si Rodel Mansion Bongol, 38-anyos.

Sa ulat, dakong alas-11:40 ng hatinggabi habang nasa loob ng bahay ang mag-asawa nang pasukin sila ng suspek na armado ng hindi malamang kalibre ng baril.Walang kaabog-abog na pinutukan agad ng apat na beses ng suspek ang mag-asawa at mabilis na tumakas.Isinugod naman ang sugatang mag asawa sa Josefina Belmonte Duran Memorial District Hospital.

Sa inisyal na imbestigasyon lumalabas na may matagal nang alitan ang mga biktima at suspek.

MISTER
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with