^

Biyahero sa Olongapo City, kailangan pa rin ng health certificate

Jojo Perez (Pilipino Star Ngayon) - March 3, 2021 - 12:00am

OLONGAPO CITY, Philippines — Sa kabila ng inilabas na kautusan ng Inter-Agency Task Force na hindi na kailangan pa ng PNP travel authority at medical certificate sa mga biyahero ng pampublikong sasakyan, hinahanapan pa rin ang mga taong papasok at palabas ng bayang ito ng health certificate.

Ito ang inihayag ni Public Affairs Office head Anthony Bayarong sa naging kumpirmasyon ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa naging kautusan ng IATF na hindi na kailangan ng travel autho­rity at medical certificate sa mga biyahero.

Ayon kay Bayarong, bagama’t may kautusan ang DILG at IATF ay pinapayagan naman ang mga local government units (LGUs) na gumawa ng sariling resolusyon kung sa tingin nila ay makakabuti ito sa mga nasasakupan.

“Nakausap po natin ang ilang mga bus companies owners at sinabi po natin na dapat may ipiprisintang health certificate ang kanilang mga pasahero na lalabas at papasok ng lungsod,” ayon pa kay Bayarong.

Bagama’t nasimulan na umano ang rollout ng COVID-19 vaccine sa bansa, sinabi pa ni Bayarong na mahirap pa rin na maging kampante sa laban kontra COVID-19.

DILG PNP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with