^
COVID-19 UK variant pasok na sa Baguio City
Nabatid na isang 30-anyos na babae na nagpositibo sa COVID-19 noong Pebrero 12 at naka-recover na noong Pebrero 23 ang napag-alamang may taglay na UK variant.
The STAR/Artemio Dumlao, file

COVID-19 UK variant pasok na sa Baguio City

Artemio Dumlao (Pilipino Star Ngayon) - March 2, 2021 - 12:00am

BAGUIO CITY, Philippines — Kinumpirma kahapon ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong ang unang kaso ng B.1.1.7 o UK variant ng COVID-19 sa siyudad.

Nabatid na isang 30-anyos na babae na nagpositibo sa COVID-19 noong Pebrero 12 at naka-recover na noong Pebrero 23 ang napag-alamang may taglay na UK variant.

Dahil dito, sinabi ni Magalong na abala na ang mga awtoridad sa pagsasagawa ng contact tracing upang mapigilan ang paglobo pa ng kaso ng COVID-19 variant sa Baguio City.

Magugunita na tinukoy ng Department of Health (DOH) ang ­unang 17 na COVID-19 UK variant cases noong ­Enero kung saan 12 dito ay mula sa Bontoc, Mountain Province at isa sa La Trinidad, Benguet.

Namatay naman noong Enero 24 ang ­unang kaso ng UK ­variant sa La Trinidad samantalang lahat ng unang 12 UK variant sa Bontoc ay naka-recover na.

Noong Pebrero, isa pang kaso ng UK variant ang napag-alaman sa La Trinidad, Benguet, na nagpalala naman ng takot sa Baguio City sa maaa­ring pagkakaroon na ng variant na ito sa siyudad.

Ayon pa sa huling datos ng City Health Office nitong Pebrero, nakapagtala ang Baguio City ng 5,665 kaso ng COVID-19, 260 dito ang kasalukuyang active at 5,300 recove­ries. May 105 nang patay sa siyudad dahil sa CO­VID-19.

Kasama pa rin ang Baguio City sa mga lugar na nananatiling nasa General Community Quarantine (GCQ) status.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with