^

Mayor ng San Fernando City sinuspinde!

Artemio Dumlao (Pilipino Star Ngayon) - March 2, 2021 - 12:00am

Sa maanomalyang paggawa ng plaza

BAGUIO CITY, Philippines — Isinakatuparan ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang suspension order ng Sandiganbayan laban kay San Fernando City, La Union Mayor Hermenegildo “Dong” Gualberto ng 90 araw mula kahapon, Marso 1.

 Ayon kay San Fernando City Interior & Local Government Officer Lily Ann Colisao, ang 90-days preventive suspension ni Gualberto ay nag-ugat sa naihaing kasong criminal sa Ombudsman laban sa alkalde dahil sa umano’y paglabag sa Sec. 3 (e) ng R.A. 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act) kaugnay sa maling paggastos sa 20% Development Fund ng San Fernando City para sa pagpapagawa ng plaza sa syudad.

 Kinasuhan ang alkalde noong nakaraang taon ng mga kapitan ng lungsod ng grave misconduct, gross neglect of duty, grave abuse of authority at technical malversation of funds sa maling paggamit diumano sa P66.5 million mula sa 2017 at 2018 internal development fund ng San Fernando City para sa pagpapakumpuni ng plaza.

 Noon lamang Abril 15 ng nakaraang taon,  pinatawan ng Ombudsman si Gualberto ng anim na buwan na pagkakasuspinde, ngunit noong Setyembre rin ng nasabing taon, hindi kinatigan ng 13th Division ng Court of Appeals ang Ombudsman na nag-dismiss sa serbisyo kay Gualberto, kanya’t muling umupo ito sa pagka-mayor noong Nobyembre 4, 2020.

 Pansamantalang uupo si San Fernando City Vice Mayor Alfredo Pablo 0rtega sa puwesto ni Gualberto hanggang maserve ng huli ang tatlong buwang suspension nito.

DILG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with