^

Probinsiya

Binatilyo natutulog sa dumpsite, pisak sa truck

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

AROROY, Masbate, Philippines — Kalunos-lunos na kamatayan ang sinapit ng isang 16-anyos na binatil­yo matapos na magulungan habang natutulog ng heavy equipment sa dumpsite ng minahan ng Filminera Resources Corporation sa Sitio Buri, Brgy. Syndicate ng ba­yang ito kamakalawa ng madaling araw.

Kinilala ang biktima na si Kent Bryan Danao Gerez, Grade 9 student at residente ng barangay habang sumuko ang ­operator ng nakasagasang truck na si Ruel Merioles Saldo, 38, ng Brgy. Puro, Aroroy.

Sa ulat, dakong alas-4 ng madaling araw, habang natutulog ang biktima kasama ang ilan pa sa isang bahagi ng dumpsite nang magulungan ng heavy equipment na DU Triple 7 Caterpillar Truck na ino-operate ni Saldo.

Patay agad ang biktima habang mabilis na nakabangon at nakatakbo ang mga kasamahang natutulog.

Sa imbestigasyon, minamaniobra ng natu­rang driver papasok sa dumpsite ang truck pero dahil sa dilim ay hindi nito napansin ang mga natutulog sa daraanang bahagi kaya nagulungan ang hindi agad nakabangong biktima.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with