^

Probinsiya

Pagkalat ng COVID-19 sa Quirino ikinabahala, munisipyo ni-lockdown

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Isinailalim sa lockdown mula kahapon ang munisipyo ng Cabarroguis, Quirino matapos magpositibo sa COVID-19 ang isang kawani roon na maraming nakasalamuhang opisyal at katrabaho nitong nagdaang dalawang linggo.

Ayon kay Mayor Wilard Abuan, dumalo sa isang pagpupulong ang kawani noong Pebrero 22 at halos lahat ng mga opisina sa lokal na pamahalaan maliban ang Municipal Health Office (MHO) at Environment and Natural Resources Office (ENRO) ang hindi niya nakadaupang-palad.

Kalaunan ay lumabas noong Peb. 26  na positibo sa virus ang kawani na sinasabing nagkaroon ng exposure sa isang nauna nang kaso ng COVID-19.

Matatandaan na nitong nakaraang mga araw ay tinamaan ng COVID-19 ang apat na kasapi ng Bureau of Fire Protection sa Cabarroguis na nagkaroon din ng pakikisalamuha sa mga kawani ng lokal na pamahalaan.

Sinabi ni Abuan sa kanyang nilagdaang ­Executive Order na nilalayon niyang ipagpaliban muna ang operasyon ng mga tanggapan sa lokal na pamahalaan maliban ang MHO at ENRO upang mabigyang daan ang disinfection at malawakang contact tracing nang masawata ang pagkalat ng virus.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with