^

Probinsiya

Guro na ‘gambling operator’ sa barangay ni mayor, inaresto

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon
Guro na âgambling operatorâ sa barangay ni mayor, inaresto
Sa report ng pulisya, kaagad na dinakip ng mga pulis si Analiza Marciano matapos ipalabas ni MTCC Judge Racquel Reyes Aglaua ang warrant of arrest nito sa kasong paglabag sa RA 1602 o anti illegal gambling law.
STAR/File

TUGUEGARAO CITY, Philippines — Kalaboso ang isang 44-anyos na guro ng isang pampublikong paaralan na umano’y nagpapatakbo ng ilegal na pasugalan matapos isilbi sa kanya ng awtoridad ang mandamiyento de aresto sa kanyang bahay sa Barangay Ugac sur ng lungsod na ito kamakalawa.

Sa report ng pulisya, kaagad na dinakip ng mga pulis si Analiza Marciano matapos ipalabas ni MTCC Judge Racquel Reyes Aglaua ang warrant of arrest nito sa kasong paglabag sa RA 1602 o anti illegal gambling law.

Naunang iniulat ang paglusob ng awtoridad sa bahay ng na may naglalaro ng mahjong at  Tong-its na umano’y pinatatakbo ni Marciano noong nakaraang Oktubre 2020 matapos makatanggap ng sumbong si City Mayor Jefferson Soriano na kanyang barangay pinapatakbo ang pasugalan ng guro.

Inaasahang makapaglalagak ng piyansang P30,000 si Marciano para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

ARESTO

GAMBLING

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with