^

Probinsiya

COVID-19 nakapasok na sa Kapitolyo ng Cagayan

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

13 kawani nagpositibo

TUGUEGARAO CITY, Philippines — Pinasok na rin ng virus ang Kapitolyo ng Cagayan matapos magpositibo sa COVID-19 ang 13 nitong kawani kahapon.

Ang muli na namang pagtaas ng kaso ng hawaan sa Cagayan ay lubhang ikinabahala ni Governor Manuel Mamba dahil may kabuuang 43 bagong kaso ng COVID-19 ang naitala sa lalawigan nito lamang nagdaang Sabado at Linggo at karamihan dito ay mula sa lungsod na ito na kababalik lamang sa Modified Enhanced Community noong Va­lentines day.

Siyam sa mga nagpositibong kawani ay mula sa Provincial Disaster Risk Reduction Ma­nagement Office (PDRRMO) na karamihan ay may sintomas ng sipon, lagnat at pagkahilo at nagkaroon ng exposure sa isa nilang kasamahan na unang tinamaan ng virus.

Tatlong kawani ang tinamaan ng COVID-19 sa Provincial Veterinary Office.

Hinikayat ni Mamba ang mga Cagayano na iwasan munang lumabas at makipag-ugnayan sa ibang tao lalo na sa lungsod na ito na nagkalat na ang mga asymptomatic o mga taong nagtataglay na ng virus subalit wala namang nararanasang sintomas.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with