^
P124 milyong smuggled rice at sigarilyo nasabat, 50 timbog
Ayon kay Port of Limay District Collector William Balayo, nasa 20,000 sako ng Vietnam rice na nagkakahalaga ng P50 milyon at P74 milyon ng puslit na sigarilyo ang kanilang nasabat.
Roel Pareño, file

P124 milyong smuggled rice at sigarilyo nasabat, 50 timbog

Jojo Perez (Pilipino Star Ngayon) - February 27, 2021 - 12:00am

ORION, Bataan, Philippines — Nasa P124 milyong halaga ng puslit na bigas at sigarilyo ang nasabat ng Bureau of Customs sa isang private port sa Brgy. Sta. Elena ng bayang ito ka­makalawa.

Ayon kay Port of Limay District Collector William Balayo, nasa 20,000 sako ng Vietnam rice na nagkakahalaga ng P50 milyon at P74 milyon ng puslit na sigarilyo ang kanilang nasabat.

Maliban sa mga smuggled goods, 50 katao ang naaresto ma­tapos na maaktuhang nagdidiskarga ng mga smuggled goods.

Ang mga naaresto­ ay isinailalim sa inquest­ proceedings sa Orion Dockyard na pinangu­nahan ni Bataan Provincial Prosecutor’s Of­fice chief Sonny Ocampo dahil sa mga kasong paglabag sa Customs­ Modernization­ and Ta­riffs Act o ang pagpupuslit ng mga produkto ng hindi nagbabayad ng karampatang buwis sa gobyerno ang isasampang kaso laban sa 50 katao na naaresto ng mga otoridad.

Samantala, napag-alaman mula sa mga nadakip na galing pa umano sila sa iba’t ibang lalawigan at na-recruit para makasampa sa naturang cargo vessel bilang bahagi ng kanilang on-the-job-training o OJT at nagbayad pa sila bawat ulo ng P35,000.

Nasa kustodya pa ng Customs Police ang mga dinakip para sa kaukulang dispo­sisyon.

SMUGGLED
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with