^
Tulakâ utas buy-bust, 3 pa arestado
Sinabi ni Lt. Colonel Heryl Bruno, hepe ng Talavera Police Sta­tion na nanlaban si Marlon Tabamo, 43, nang malamang undercover agent pala ang binentahan ng isang sachet ng shabu sa Brgy. Sampaloc, Ta­lavera.
STAR/File

Tulak’ utas buy-bust, 3 pa arestado

Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - February 27, 2021 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Bu­mulagta ang isang drug suspect habang arestado ang tatlo pa sa magkakasunod na buy-bust operation na isinagawa ng awtoridad sa Talavera, San Isidro at San Antonio, Nueva Ecija kahapon.

Sinabi ni Lt. Colonel Heryl Bruno, hepe ng Talavera Police Sta­tion na nanlaban si Marlon Tabamo, 43, nang malamang undercover agent pala ang binentahan ng isang sachet ng shabu sa Brgy. Sampaloc, Ta­lavera.

Agad namatay si Tabamo nang gantihan siya ng putok ng mga operatiba sa eksena. Nakuha sa tabi ng na­patay na suspek ang gamit nitong kalibre 45 na boga.

Samantala, tiklo na­man sina Ronald Pa­ngilinan, 22, at Dave Serrano, 23, sa kaha­lintulad na operasyon sa Brgy. Malapit, San Isidro kung saan nasamsam sa kanila ang walong sachet ng shabu.

Dalawang sachet ng shabu naman ang nakuha kay Joseph de Belen, 25, na nahuli sa buy-bust sa Brgy. San Francisco, San Antonio, Nueva Ecija.

BUY BUST
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with