^
Nene patay sa sunog sa sari-sari store
Kinilala ang biktima na si Deborah Gumba Evangelista, isang Grade 5 pupil at residente ng nasabing barangay.
STAR/File

Nene patay sa sunog sa sari-sari store

Jorge Hallare (Pilipino Star Ngayon) - February 27, 2021 - 12:00am

CANAMAN, Camarines Sur, Philippines — Patay na nang matagpuan ang isang 12-anyos na batang babae matapos lamunin ng apoy ang kanyang tinutulugang sari-sari store sa Zone-5, Brgy. San Francisco ng bayang ito kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang biktima na si Deborah Gumba Evangelista, isang Grade 5 pupil at residente ng nasabing barangay.

Sa ulat, dakong alas-3:15 ng madaling araw, nagulantang ang mga residente nang makitang naglalagablab na ang sari-sari store na pag-aari ni Dominador Evangelista, 47, kung saan natutulog ang kanyang anak.

Dahil sa gawa sa kahoy ay mabilis na lumaki at kumalat ang apoy dahilan upang hindi na makalabas ang bata habang hindi naman nagawa ng kanyang mga kaanak na makuha ito sa loob at mailigtas.

Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang Bureau of Fire Protection sa sunog at kung magkano ang naging danyos.

PATAY SUNOG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with