^

103 baril, granada nasamsam sa Bicol

Jorge Hallare (Pilipino Star Ngayon) - February 27, 2021 - 12:00am

CAMP GEN. SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines — Umabot sa 103 na baril at granada ang nabawi ng Police Regional Office (PRO5) 5 matapos ang ginawang dalawang araw na Simultaneous Anti-criminality and Law Enforcement Operations (SACLEO) sa buong Bicol Region.

Ayon kay PRO5 regional director Brig. Gen. Bartolome Bustamante, makaraan ang ilang araw na pagpupulong at pagpaplano ng Regional Intelligence Division 5, Criminal Investigation and Detection Group at mga provincial directors ng anim na lalawigan at sa tulong ng search warrant na inilabas ng mga korte ay sabay-sabay na sinalakay ng mga pulis ang mga target mula madaling araw ng Miyerkules hanggang Huwebes.

Sa kabuuan ay nabawi ng mga pulis ang 103 na iba’t ibang uri ng baril gaya ng 54 na kalibre 38, 22 piraso ng kalibre 45, anim na kalibre 22, pitong kalibre 9mm, limang shotgun, isang caliber 357 magnum, isang caliber 5.56 revolver, isang rifle grenade at limang hand grenade.

Ang Masbate ang lalawigang may pinakamaraming baril na nabawi na umabot ng 33, Camarines Sur, ay 21; Sorsogon,18; Albay,12;  Camarines Norte,15; Catanduanes,4, at tatlo sa Naga City na isang independent city.

Nasa 77 katao ang naaresto habang 9 ang nakatakas. Ilan sa kanila ang sinampahan na ng kaso dahil sa pag-iingat ng hindi lisensyadong baril o loose firearm.

Ayon kay Bustamante, isasalang pa nila sa ballistic test ang mga baril para malaman kung ginamit sa mga kaso nang pamamaril at krimen.

Malaking tulong din umano ito para mabawasan ang araw-araw na krimen sa buong re­hiyon at sa kapayapaan ng paparating na eleksyon.Ina­asahang marami pa ang baril na mababawi dahil sa tuluy-tuloy na operasyon ng mga pulis.

BICOL
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with