^

Probinsiya

50% kapasidad sa simbahan sa Baguio, puwede na

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Ma­aari nang magdaos ng banal na misa ang simbahang Katolika at iba pang relihiyon simula sa darating na araw ng Linggo sa Baguio City matapos payagan ni Mayor Benjamin Ma­galong ang ganitong uri ng pagtitipon kamakalawa.

Sa nilagdaang Exe­cutive Order No. 26 ni Magalong, 50 porsi­yento lamang ang maa­aring pumasok sa loob ng simbahan.

Kabilang sa mga kondisyon na dapat sundin ng mga relihi­yoso ay ang mga sumusunod: limitado lamang sa pagdaraos ng misa o pagsamba ang uri ng isasagawang mass gathering, pagsumite ng kahilingan ng pahintulot at approval ng lokal na pamahalaan sa isasagawang pagtitipon, pagtalaga ng mga roving officers sa lugar upang mapanatili at ma­ipatupad ang panun­tunan ng kalusugan at ang pagtalima sa pag­lagay ng mga pabatid tungkol sa health protocols.

Pinuri naman ng mga deboto ang pasya ni Magalong dahil mas mapagtutuunan na nila ang taus-pusong pamamanata sa pagdalo ng misa upang makapag­hugas ng kanilang mga kasalanan lalo na’t na­lalapit na ang panahon ng Semana Santa.

vuukle comment

SIMBAHAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with