^

Probinsiya

Mangingisda kinatay, kinaladkad sa dalampasigan ng kainuman

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

ATIMONAN, Quezon, Philippines — Brutal na kamatayan ang sinapit ng isang mangingisda makaraang tadtarin ng saksak ng nakainuman saka kinaladkad pa ang duguang bangkay nito sa dalampasigan ng Barangay Villa Ilaya, dito kamakalawa ng gabi.

Ang biktima na nagtamo ng mga saksak sa iba’t ibang parte ng katawan ay kinilalang si Guil­lermo Cepe, 39, binata samantalang tinutugis na ang suspek na si Vevencio Aurellana, 35, may asawa ng nabanggit ding lugar.

Sa ulat, habang nag-iinuman ang biktima at suspek nang magkaroon sila ng mainitang pagtatalo. hanggang sa kumuha ng gulok ang huli at pinagtataga ang naturang kabarong mangingisda na agad nitong ikinamatay.

Hindi pa umano nasiyahan ang suspek, hinila nito ang katawan ng biktima patungo sa dalampasigan na may layong 30 metro buhat sa kanyang bahay na ikinaalis ng pang-ibabang saplot nito.

MANGINGISDA

PATAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with